A/N: Dahil sa ako ang manager ng isang C2 Community ng mga Tagalog fics, dapat lang na meron akong fic na Tagalog di ba? So here it is... Dedicated to all Filipino Writers/Readers...
Paalala: Ang Slam Dunk ay pag-aari ni Dr. T... At wala akong balak agawin 'to sa kanya.
Isa pang paalala: Sa kalagitnaan ng fic ay kinakausap ng author ang mga characters

Para lang sa karagdagang impormasyon:
si Ayako po ay hindi na manager, kasali na sya sa Female Division ng Team at sa wakas ay gf na sya ni Miyagi.
isang himala – gf na rin ni Sakuragi si Haruko na kasama ni Ayako sa Female Division
Ang mga casts ay: Mitsui, Rukawa, Sakuragi, Miyagi, Sendoh, Koshino, Hikoichi, Maki, Fujima, Hanagata, Jin, Kiyota, Ayako, Haruko, at Sendoh(OC) hindi po yan pairing, yan po ang magkakashare sa unit/room sa dorm.

Tokyo University: Ang mga bida natin e nasa college na. Himala na lang ni Kami-sama kung pano nakapasa ng high-school ang iba sa kanila at nakapasok pa sa isang kilalang University sa buong mundo. At himala na rin ni Kami-sama kung panong ang lahat ng mga magagaling na basketball players ng Kanagawa ay nag-aral saiisang paaralanat ngayon ay iisang team na.
Kahit Sabado ngayon, may practice pa rin ang team. Siyepre dahil sila ang inaasahan ng buong Japan na makakapasok sa International Basketball Competiton.(Meron pala non?) Nagkakaroon ng practice game ang ilang members ng team, samantalang ang iba ay nagpractice ng shooting.

"Itaas nyo mga kamay nyo!"
"Galingan nyo ang depensa!"
"Wag nyo silang palapitin sa basket!"
"Kayo naman, buhayan nyo ang opensa!"
"Hindi pwede ang mga lalampa-lampa sa team ko!"
Utos ng utos ang coach ng Men's divion-team.

"Loko kang gurang ka! Kala mo ba madali 'to?" Sigaw ni Sakuragi sa coach nila.
"Haaay naku… kapag nga naman isa kang unggoy na may pulang buhok…" Asar ni Kiyota
"Mas gusto ko si Coach Anzai…" bulong naman ni Mitsui.
"Tigilan nyo na ang kakareklamo. Mga gunggong." Sabat ni Rukawa sa tonong tulad ng dati – diretso at walang emosyon.
"RUKAWA, anong sabi mo?" galit na tumingin sina Sakuragi, Kiyota, at Mitsui sa kanya –Super Deformed (SD)style.
"Wag na kayong magtalo… Wala rin naman tayong magagawa." Pigil ni Jin
"Ok lang yan, masasanay din kayo sa ganyan ka istriktong coach." Sabi ni Sendoh sabay ngiti.

Natapos ang kanilang practice na pagod na pagod ang lahat. Ganon naman lagi pag practice, kaya bat pa sila nagrereklamo?

"Nakakainggit yung mga babae. Ang pagkakaalam ko, napakabait daw ng coach nila." Sabi ni Fujima.
"Dapat lang ang masinsinang pagsasanay para lalong lumakas ang team." Sagot ni Maki.
"Lolo, wag mong sabihing, kampi ka dyan sa gurang nating coach?" Tanong ni Sakuragi.
"Hindi naman siguro Sakuragi, ang mga miyembro kasi ng Ryonan at Kainan ay sanay sa mahirap na training araw-araw." Paliwanag ni Sendoh.
"Tama ka dyan! Naku, pag inaalala ko yung praktis natin noon, gusto kong isuka lahat ng kinain ko." Exaggerated na sabi ni Koshino.
"Mabait kasing coach si Anzai-sensei at pati na rin si Fujima." Paliwanag ni Hanagata.
"Hindi naman…" namumulang sabi ni Fujima.

"Oi! Rukawa, aalis ka na kaagad?" Tanong ni Mitsui sa papalabas na Rukawa.
Ang sagot nya ay isang tungo.
"Sabay na tayo." Sabi ni Sendoh
"Ang KJ nyo naman! Mag-usap muna tayo. Men's talk – alam nyo na." Sabi ni Mitsui na may kung anu-anong pumasaok sa utak nya.
"Yack! Kadiri ka Micchy! Mas HENTAI ka pa pala kay HentaiSmiley." Kutya ni Sakuragi.
"Suuus, kunyari ka pa! Gusto mo naman ang ganung usapan Hanamichi." Sagot ni Miyagi
"Tama, tama, si Sakuragi pa, e ikaw ang hari ng kabastusan." Sabi ni Kiyota
"Anong sabi mo kulotzki? Iniinsulto mo ba ang henyo unggoy?"
"Wag kayong masimula ng gulo." Pigil ni Jin.

Bago pa magsimula -ang ibig kong sabihin- lumala ang bangayan, kinutusan na agad ni Maki ang tatlo at nagsalita na ng pamamaalam si Sendoh.

"Mauna na talaga ko, kasi… ano… kwan… basta… sige kita tayo!" Tapos nagmamadaling umalis ng gym na sinundan naman kaagad ni Rukawa.
"Bakit kaya nagmamadali ang dalawang yon?" sabi ng nagtatakang si Koshino.
"Hindi ako magtataka kay Rukawa, dahil ayon dito sa record ko, maaga sya laging umaalis. Pero si Sendoh, isa siya sa mga pinakahuling umuuwi." Sabi ng napapaisip na si Hikoichi. (Kabaligtaran noh? Diba si Rukawa lagi xa huling umuuwi? Pero di bale, ok lng nmn yun dba?)
"Unbelievable!" Sabi ni Maki. "Pati ba oras ng pag-alis namin ng court e nirerekord mo?"
"Aba, syempre naman! Ganon ang isang maganda at maayos na report! Dapat, lahat ay chinecheck!"
SWEATDROP

(kqcmicchy: wag keong mag-alala, importante lang talga yung gagawin ni Sendoh,
Kosh: cguro my gf n xa noh? Ikaw ang writer, kya alam mo yun, ano sabihin mo n?
kqcmicchy: baket? Gusto mo ba maging yaoi 2, tapos ikaw ang bf nya?
Kosh: nde yun ang cnabi ko! Pero aminin mo n, my gf n c Sendoh d2 sa fic mo noh?
kqcmicchy: selos k lng eh, sori ka n lng pero nde ko gusto ang SenKosh na pairing! sori sa mga SenKosh fans!)

Kinabukasan linggo (malamang kase Sabado kahapon) alam ni Sakuraging walang paraktis, wala rin si Haruko, kaya di sila makakapag-date, kaya pagkagising na pagkagising nya ay nagyaya kaagad syang mamasyal.

"Hanamichi, ikaw na lang. Ayokong sumama sau!" Sabi ni Miyagi habang kinakaladkad (literally) siya ni Sakuragi palabas ng unit nila.
"Haaay naku, kulotz, marami tayong pwedeng gawin sa labas! Mas maganda yun kesa magkulong ka dyan sa loob… OI! Micchy, labas na dyan! Ikaw din Rukawa! Lumabas kayong lahat sa mga lungga nyo!" Sigaw ni Sakuragi, na nagpalabas sa mga teammates nya.
"Ano nanamang ingay yan Sakuragi? Ang sarap sarap ng tulog ko…" Bulyaw ni Micchy
"Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka gunggong." Sabi ni Rukawa sabay sipa kay Sakuragi –SD style.
WHACK
"Ang aga-aga nangiistorbo ka!" Sigaw ni Ayako na lumabas na naka pajama pa.
"Ayako naman, ayoko lang namang mabulok sila sa mga lungga nila, kaya nagyayaya akong lumabas."
"E dahil gising na tayong lahat, bakit nga naman di tayo lumabas." Sabi ni Fujima.
"Buti naman ay pumapayag ka sa balak ng henyo, substitute."
"Magandang ideya yan Fujima. Isang group outing." Tungo ni Hanagata.
"Bat nga naman hinde…" sabi ni Maki.
"Ang ganda ng ideya mo Fujima-sempai!" Sabi ni Hikoichi.
"Sige, tutal e iniwan ako ni Akira, game na rin ako!" Sabi ni Koshino.
"Ayos na ayos 'to 'pre!" sabi ni Kiyota.
"Buti pa maghanda na tayo." Sabi ni Jin.

Pumasok ang lahat sa kani-kanilang unit para mag-handa.

(kqcmicchy:ano b nmn kyo, bat d nyo maapreciate c sakuragi? Ideya nya ang pamamasyal nde b?
Hana: buti k p, naiintindihan mo ang pakiramdam ng henyo…
kqcmicchy/kung alam mo lang, ideya ko ang hindi nila pagpansin sau/ xempre naman! Ikaw bida d2 e,
Hana: sabi mo yan ah…
kqcmicchy/uto-uto/ sori sa mga Hana fans!)

Buong araw ay namasyal ang mga pinakasikat na basketbolista ng Japan. Kung saan-saan sila pumunta. At sa mga pinupuntahan nila, lagi na lang may humihingi ng autograph nila.

"Um, excuse me, pero nasan si Sendoh?" Tanong ng isang (obviously) fangirl ni Sendoh.
"Wala sya… may nilalakad na iba." Sagot na lang ni Koshino.
"Ahhhhhh! Si Sendoh!" Sigaw ng isang fangirl mula sa di kalayuan.

Syempre tinginan lahat ng mga tao – fan man ni Sendoh o hindi. Nang tignan ng ating mga bida yung babaeng sumigaw (as in yung talekerang fangirl ni Sendoh), nakakita sila ng spike-head… syempre alam na nila na si Sendoh yun. Nung makalapit na sila, nakita nila na may kasama si Sendoh. At take-note mga friends, BABAE ang kasama nya. Matangkad, maputi, parang model kung tumindig, pero halatang engaged sya sa sports – siguro gymnastics.

"Wow, ang ganda ng gf ni Sendoh." Bulong ni Mitsui.
"Nakabalik na pala ang DEMONYITANG babaeng yan. Kaya pala excited si Akira." Sabi ni Koshino sa isip nya.

Nang makalapit na sila kay Sendoh at kay mysterious at -ayon kay Koshino- demonyita girl…

"Oi! Sendoh!" Sigaw agad ni Sakuragi ng pagbati.
"Ei guys! Huli nyo ko ah!" Sagot ni Sendoh sabay ngiti ng kanyang usual na ngiti.
"Sino yang kasama mo? Pwede mo ba kaming ipakilala?" Tanong ni Ayako.
"Huh? Ah, sya!sabay turo sa girl na katabi nya Sya si Sendoh Aki." Sagot ni Sendoh.

SENDOH Aki – may ASAWA na si Sendoh? sa isip ng lahat liban kay Koshino.

"Se… Se… Se… Sendoh, hindi ko akalaing…" Hindi matuloy ni Jin ang nais sabihin.
"Nakakabigla ano? Pero yun ang katotohanan. Kagagaling lang nya ng Hokkaido, kaya pinapasyal ko sya dito sa Tokyo." Sagot ni Sendoh na mayroong napakalaking ngiti sa muka.
"Akira, wag mong sabihing sa Tokyo University na rin sya mag-aaral…" Nanghihinang sabi ni Hikoichi.
"Baket Hiro-kun? May problema ba dun? Kung hindi ako gusto ng mga tao sa Tokyo, pwede akong bumalik ng Hokkaido." Sagot nitong si SENDOH Aki na may pa-innocent and pa-awa effect pa.
"Heto na sya sa mga style nya…" isip ni Koshino.

Matapos ang pagpapakilala kay Sendoh Aki, nagpatuloy ang grupo sa pamamasyal. At ngayon, kasama na nila ang dalawang Sendoh. Nang mamalayan nilang papadilim na, nagpasya silang bumalik na sa condominum na para sa mga estudyante ng Tokyo U.

(Sendoh: Um… baket ako may asawa? Di ba masyado akong bata para magka-asawa?
Kqcmicchy: buti nga kasali ka pa d2! Anong gusto mo? Sitwasyon mo ngayon o papatayin n lng kita?
Sendoh: mas maganda siguro kung gf q muna xa, den sa epilogue, saka kami magpapakasal o d b?
kqcmicchy: ah… basta! Alam q ginagawa q/wish q lng/…
Hana: teka? Akala q b aq bida d2?
Kqcmicchy: e nagbago n isip q e, pasensya k/palusot p q/
Rukawa: pabayaan nyo n lng xa, mga gunggong talaga.
Kqcmicchy: Yay! Go Rukawa! Teka nasabi q n bng may gf k rin?
Rukawa: patayin ang kapatid ni Mitsui-sempai…
Sen and Hana: SIGE!
Mitsui: Baket nyo dinadamay kapatid q d2? Teka? May kapatid b q?
Sen: Hinde, ang ibig naming sabihin yung author ng fic na 2…
Mitsui: ah ok… cge sasama q kc d nya q ginawang major d2!
Kqcmicchy: Nooooooo! Mad Slam Dunk Characters on the lose!
SD characters: Noooooo! Mad avid Slam Dunk fan and trying-hard fictional writer crying for help!)

Itutuloy...

A/N: So hanggang dito muna... Pagpasensyahan nyo na 'to ah... Tumawag na lang keo sa mental hospital para i-confine ako... Dahil alam ko me pagkabaliw ako ngayun... I mean dito sa fic... Sorry din kung mas marami yung pagkausap ko sa charcters kesa sa story itself... At pasensya na rin kung text-type ang ibang dialogues...