A/N: Eto na po ang ikalawang chapter ng Isang Tagalog Fic by kuya q c micchy. Paalala lang, walang relasyon sa plot ng story ang mga nasa ( ). Maaaring Author's Notes, pagkausap/pang-aasar ng author sa characters, at reactions sa scene na nangyayari ang laman ng ( ). AMP kasi ang author… as in Always Making Papansin kaya merong ganun… Kaya sorry dun sa mga nag-akalang kasama yun sa story. Isa pang paalala, Ang Slam Dunk ay hindi sa 'kin kaya wag ninyo akong idemanda sa paggawa ng fic na 'to! Salamat sa lahat ng mga nagbasa at nagtiyaga sa gawa ko, lalo na sa mga nagiwan ng kanilang reviews!

noypi- thanks for the comment... d ko n imemention yung courses nila... tht wont be needed d2... i hope you won't mind... at about dun sa pagkapasa nila sa Tokyo U. well, tht's why this is called fanFICTION db? hehehe
thebodyfarm- hehehe... thanks for reading and as you've said, loving my fic...
ezekiel1017- salamat sa pagbabasa at salamat dahil nagustuhan mo! ingats ka sa Japan k? at wag kang makakalimot...
noNAME- here's more!
Setsuna Eleison- e2 na po update... i hd fun chatting w/ u too...

Ang Nakaraan: Namasyal ang tropa at nakita nila si Sendoh na may kasamang babae. Pinakilala niya ito bilang si Sendoh Aki.

Tsapter II: Nang makarating na sila sa dorm para sa mga estudyante ng Tokyo U, nakita ni Ayako na mayroong mga gamit sa harap ng yunit nila ni Haruko. Nalaman niyang kay Sendoh Aki ang mga ito – magiging roommates sila! Pinasok nila yung mga gamit sa loob, tapos nagsipasukan na rin sa kani-kanilang mga yunit yung iba, habang tinulungan naman ni Ayako ang newbie (sino pa edi si Aki…) na ayusin ang mga gamit nya. Maya-maya pa, e dumating na si Haruko.

"Haruko, siya nga pala si Sendoh Aki. Magiging roommate natin siya mula ngayon." Panimula ni Ayako.
"Sendoh Aki, nice to meet you. Ako nga pala si Akagi Haruko."
"Ah, so ikaw pala ang girlfriend ni Sakuragi-kun…"
"Huh? Ah… eh… oo…" Pabulong at namumulang sagot nito.

Doon na nagsimula ang kanilang usapan at nauwi sa isang girl talk. Gaya ng karamihang girl talk o kahit ano pa mang talk yan, e one thing led to another. As in anything under or over the sun ang pinag-usapan nila. Napag-usapan nila ang mga bagay tungkol sa basketball; dahil hindi lang roommates kundi teammates na rin silang tatlo (meaning, kasama na sa Female-division ng basketball team si Aki). Pagkatapos, todo kwento naman sina Ayako at Haruko tunkol sa love life nila at kung gaano sila kasaya with their bfs. Si Aki naman e, tumutungo na lang kahit na ayaw nya ang ganun ang usapan. After a lot of talkings, nagtanong si Ayako…

"Um… Anou… Aki-chan, 'wag mo sanang masamain pero… Hindi ba parang…"
"Parang?" sabi ni Aki…
"'Wag mo sanang isiping pinangungunahan kita, kaya lang…"
"Ano ba yon Aya-chan?"
"Oo nga, Aya-chan, masyado mo naman kaming ineexcite…"
"Ha? Kasi… hindi ba masyado ka pang bata para mag-asawa… I mean, katatapos mo lang ng high-school…"

Medyo shocked si Haruko dun… Buong akala niya, e pinsan ni Sendoh Akira itong si Sendoh Aki… Noon pala, asawa niya… sa isip ni Haruko Unbelievable! Ang bilis ni Sendoh. Eto namang si newbie… mas shocked! As in imagine her na nagging dot na lang yung kanyang napakagandang emerald blue eyes. (Emerald blue? Diba pag emerald green? Ewan… basta yun na yun…) Tapos yung kanyang bibig, total jaw drop and lastly, punong-puno ng question mark (?) yung taas ng ulo niya. (Got the picture?) Tapos, when she (referring to newbie Aki) got back to her senses…

"Teka… Aya-chan, anong asawa? Ni hindi pa nga ako nagkaka-bf eh!"

At that statement, lalong naguluhan si Ayako, not to mention Haruko, sa mga pangyayari.

"Ano ba talaga? Akala ko pinsan mo si Sendoh, then sinabi ni Aya-chan na asawa mo daw siya, tapos ngayon… nalilito na ko…" (nalilito, nalilito, nahihilo, nahihilo; coke ko 'toh! Wahahahaha!)
"Whoa! Teka… asawa… ko… si… Akira… ONI-chan?"
"ONI-CHAN?" Sigaw ng dalawa sa sobrang shock… (surprising ba?)
"Sabi ni Sendoh, siya daw ang bunso… so, pano mo sya nagging kuya?" Tanong ni Ayako.
"Hehehe, well kasi feeling bunso yun eh… minsan nga ane-chan pa tawag sa 'kin nun… ang totoo nyan, siya ang bunsong lalaki… … … So you mean, akala nyo he's my husband?"
"Well, first impression kasi namin gf ka nya, so when he introduced you as SENDOH Aki, syempre ano pa ba edi asawa ka na niya… Considering na mabilis talaga si Sendoh-kun…" Sagot ni Ayako na pinagtatanggol ang kanilang (jumping to conclusions) side.
"Well, hindi ko maitatanggi yan. Pero, did it ever occur to you guys na magkamukha kami? Tsaka magkalapit ng pangalan…" Tanong ulit ni Aki
"Hindi naman lahat ng magkapatid magkamukha eh… Bat kami ni kuya? Isa pa, malayo rin ang pangalan nya sa 'kin." Explain ni Haruko. (Kampi siya sa Ayako's side.)

Kinamot na lang ni Aki ang ulo niya signifying: CAN'T RELATE. Pano ba naman siya makakarelate? She's a newbie at kahit kalian, di pa nya nakikita si Akagi Takenori. Sino ba naman kasing mag-iisip na isang gorilyang nakalabas sa zoo ang itsura ng kuya ni ever-so-innocent and dense (talaga lang, as in!) Haruko.

(Kuyaqcmicchy: bat kau nangoOP?
Aki: Oo nga…
Ayako: Bakit ba ang author eh masyadong kampi sa mga OC?
Haruko: Talaga? Sa tingin ko naman, hindi…
Ayako (to herself): It would be a miracle kung mapansin mo…
Kuyaqcmicchy: Ano naming masama kung kampi ako sa mga OC… Natural, I own my OCs…
Mitsui: Ako na lang gawin mong bida, tutal, e penname mo pa lang, nandun na name ko…
Hana: He! Syatap micchy! Ako bida… dahil yun ang nasa tv series at manga.
Kuyaqcmicchy: Hello? Earth to Sakuragi… TV series o manga ba ito? FanFic po ito…
Rukawa: Eh kasi, dapat, tinatapos muna ang sinimulan bago gumawa ng bago…
Kuyaqcmicchy: Manahimik ka nga Rukawa, ikaw na nga bida sa Friends at Old and New, major ka rin sa What a Joke! Pagbigyan mo naman sila!
Jin: Teka… Sa tingin ko dapat ka nang bumalik sa storyline…
Kuyaqcmicchy: Tama! Tama! Sige, kita-kits na lang…
SD Characters (except Jin): Teka! Hindi pa kami tapos sa 'yo!)

Sa yunit nina Rukawa at Mitsui, pareho silang di mapakali. Paano ba naman, pareho silang nagka crush-at-first-sight (sorry, I don't believe in LOVE at first sight) sa babaeng tingin nila ay asawa ni Sendoh.

"San kaya sila nagkakilala ni Sendoh?" Pabulong na tanong ni Rukawa sa isang tao/nilalang na di naman nageexist.
"Oo nga eh… kung bakit naman kasi si Sendoh pa ang nauna sa kanya." Sagot naman ni Mitsui.

Sabay tayo itong si Rukawa Kaede.

"O, san ka naman pupunta?" tanong ni Mitsui.
"Kina Sendoh."
"Oo nga naman! Nagtatanungan tayo pareho naman tayong walang alam tungkol kay Aki-chan… Buti pa nga e, si Sendoh na lang ang tanungin natin…"
"…" (Ano ba namang klaseng sagot yan! Walang kwenta talaga!)

Sa yunit SenKosh… (What a name!)

"'Bat naman di mo sinabi kaagad na dadating sya?" Hingi ni Koshino ng paliwanag sa biglaang pagsulpot ni demonyita-girl. (diba demonyita daw sya sabi ni Koshino…)
"Hiro-kun, alam kong hindi mo talaga kinagaanan ng loob si Aki, pero wala tayong magagawa… kapatid ko sya, at bestfriend kita. Kaya, parang imposibleng di magkrus ang landas nyong dalawa diba?" sagot ni Sendoh na naka-smile pa.
"Kinagaanan ng loob, magkrus ang landas… naks naman… kelan ka pa naging makata? Lalim nun ah, di ko reach…" kutya ni Koshino sa bestfriend nyang c spike-head. "Pero, ok sige… in fairness naman kay Aki-chan… kakalimutan ko na lang yung nangyari noon." Seryosong sabi ni Koshino.
"Haaay! Salamat naman at willing ka na ring makalimot."

Katok sa Pinto 3x

"Bukas yan… pasok lang…" Sagot ni Sendoh sa kung sino man ang kumakatok… Syempre grand entrance ang dalawang hunk na sina Rukawa at Mitsui… (Hey! Hindi ako Ru fan pero let's admit na may itsura sya… at syempre si Micchy ay, well… gwapo talaga… BAWAL KUMONTRA!)
"Aba, Rukawa, Mitsui… what an unPLEASANT surprise…" Bati ni Koshino na pa-joke… (let's just say na naging close na sila… kahit papano… kaya ok lang ang mga bating pa-joke)

Si Mitsui ang nagsimulang magtanong… Ano pa ba ang ieexpect nyo? Si Rukawa ang magsasalita?

"Sendoh, gusto naming magtanong tungkol kay Aki-chan… Um… ok lang bang tawagin ko syang Aki-chan?" simula ni Mitsui na very confident… kahit sa totoo ay kabado sya. Sino ba namang hindi kakabahan? Kailangan talaga ng magandang pasok… tama ba naman kasing ganito ang sabihin nya… 'Sendoh, may gusto ko sa asawa mo… ok lng b yon?' Sino ba namang matinong asawang nagmamahal sa wife nya ang sasagot ng 'oo, ok lng… ligawan mo kung gusto mo…' Syempre hindi si Sendoh. Ayon pa sa theory na nabuo ni Mitsui, e newly-wed ang dalawa… syempre naman, halos katatapos lang ng high-school nung isa… ang tanong nya sa sarili, nakapag honey moon na kaya sila… (BAD KUYA! Sashi-onichan no… HENTAI)
"Wala namang problema sa 'kin ang tawag ng tao sa kanya…" Sagot agad ni Sendoh sabay tanong ng "bakit, balak mo bang ligawan?" nang walang kaworry-worry sa mukha.

Shocking naman! Sa buong buhay nya, ngayun lang nakaexperience si Rukawa na humarap sa isang lalaking makakapagsasabing ok lang na ligawan ang asawa nya… kakaiba talga ang relasyon nila… Pero kahit shocked sya sa loob, NR pa rin ang ever so cold guy na ititch.

"Nang-aano ka ba!" Parang napikon yata si Mitsui sa sagot ni Sendoh…
"Huh?" Di maintindihan ni Sendoh ang maypagka-bayolenteng reaksyon ni Mitsui.
"Oo na, cge… ipamukha mo, na kahit ligawan ko sya, e wala na kong magagawa dahil TAKEN na sya!" Sigaw ng namumulang Mitsui sa galit. (Relax lang micchy… ang puso mo nalaglag na yata!)

Todo sa pagexpress ng galit si Mitsui, samantalang tahimik lang na nakikinig si Rukawang medyo umiinit na rin ang ulo at si Koshino naman, tulad ni Sendoh, ay di maintindihan ang reaksyon ni Mitsui kaya sya'y biglang nag side comment.

"'Bat ka naman nagagalit Mitsui? Buti nga pinapayagan ka na ng kuya… At ano bang sinasabi mong TAKEN?"
"kuya?" at last! Nagsalita rin si Rukawa.
"Ano ba yan? Nakatungtong kayo ng college, KUYA hindi nyo alam? ONISAN! O gusto nyo pa yung tawag sa 'kin ni Aki-chan, Oni-chan… sa english OLDER BROTHER." Sagot ni Sendoh, obviously inaasar ang dalawang di makagetz sa mga happenings…
"Ang ibig mong sabihin e, kapatid mo sya?" Half-questioned, half-stated ni Mitsui.
"Huh? Oo. Ano akala nyo? Asawa ko?" Sarcastic na tanong ni Sendoh. Di nya talga akalaing mapagkakamalan silang mag-asawa ng kanyang fave little sis.
"Uh… Anyway… siryoso ka ba nung sinabi mong ok lang na ligawan ko sya?" Tanong ni Mitsui para maiba ang topic.
"Oo naman… matagal ko nang hinahanapan ng bf yun eh… Too bad kasi nung niligawan sya ni Hiro-kun basted kaagad ang bestfriend ko eh"
"Talaga Kosh? Nanligaw ka sa kanya?" Naintriga bigla si Mitsui sa nireveal ni Sendoh.
"Huh? Oo, kaya nga medyo may sama ng loob ako dun eh… Pa'no ba naman, sya ang unang babaeng niligawan ko tapos bested! Pero ok lang rin, di naman ako ganun kaseryoso nun… I mean, nagandahan lang ako sa kanya." Salaysay ni Koshino sa mga nangyari in his POV.
"Tama yun! Nagalit talaga ko kay Hiro-kun nung time na yun. Kaya kung hindi ka seryoso sa panliligaw sa kanya sempai, 'wag mo na lang ituloy." Bilin ni Sendoh
"Tama! Dahil lahat ng Sendoh makakalaban mo pag nasaktan mo ang única hija (hija única ba ang tama?) ng pamilya." Tuloy pa ni Koshino.
"Don't worry, seryoso ako. Etong si Rukawa ang tanungin nyo…" Sagot ni Mitsui
"Ikaw din ba Rukawa e, manliligaw kay Aki-chan?" Medyo shocked kasi si Sendoh sa narinig nya.(Medyo lang naman eh)
Tumungo si Rukawa
"Well, nasabi ko na ang mga dapat kong sabihin. Basta siguraduhin nyong di nyo niloloko si Aki-chan." Huling bilin ni Sendoh.
"GOOD LUCK sa inyo… Alam kong kakailanganin nyo talaga non." Isang parang warning mula sa nakaranas ng manligaw kay Aki na si Koshino.
"So… sige, gabi na eh… balik na kami sa yunit namin. Good Night sa inyong dalawa at salamat sa paglinaw ng lahat!" Huling bati ni Mitsui for the day.

Bumalik na silang dalawa ni Rukawa sa yunit nila at ginawa ang mga dapat gawin (like taking a shower, magtoothbrush, etc.) at humiga na sa kama. (to make it clear, separate beds po sila ok?)

"Ako ang sasabihan nya ng 'oo' sempai." Confident na sinabi ni Rukawa.
"Hindi lahat ng babae sa 'yo! Isa pa, alam kong mas gusto ko sya kaysa sa 'yo." sagot naman ni Mitsui
"Hindi naman yun importante; ang dapat mong malaman mas gusto nya 'ko."
"Pa'no mo naman nasabi?"
"Hindi ko nasabi, naalaman ko."
"Ok, sige… hinahamon kita Rukawa, ipakita natin sa kanya na gusto natin sya thru actions. I mean, bawal sabihin sa kanya yung nararamdaman natin. Kailangan, siya mismo yung makapansin ano, payag ka?"
"Hn. Mas may advantage ako dyan sempai."
"Ano ba? Payag ka ba?"
"Oo."

(kuyaqcmicchy: ineexpect mo bang mananalo ka ha, Mitsui?
Mit: malakas ako sa 'yo kaya mananalo ako.
Ru: Hn.
kuyaqcmicchy: ano namang kinalaman ko sa contest nyo ni Rukawa ha?
Mit: ikaw ang author, kaya ikaw ang magpapasya ng winner db?
kuyaqcmicchy: whatever! Bahala na…
Sen: Ano ng balak mo sa next chapter?
Kuyaqcmicchy: ewan ko nga eh… suggestions anyone?
Hana: HanaHaru scenes!
Ryo: RyoAya scenes!
kuyaqcmicchy: any OTHER suggestions?
Kiyo: kahit anong scene na magpapakita ng aking kagalingan!
kuyaqcmicchy: oh well, hihingin ko rin ang suggestions ng readers…)

Itutuloy…

A/N: So, ano sa tingin nyo? Realistic pa ba sya? I mean, Rukawa and Mitsui… iisa ang gustong girl? Pero don't worry, meron akong plan sa bagay na yan. Just wait and see. Gusto nyo ng hint? See spoiler… (wahahahaha! Gaya-gaya ko kay LadyTetsu69)
So, mag-iisip muna ko ng mga scenes para sa iba pang characters ng fic… Realistic ba kung yung OC is connected sa mga characters in different ways? Eto kasi ang fic ko na may pinakamaraming characters… So, dun sa mga sanay gumawa ng fic na maraming characters, tips naman kung pano magiging as realistic as possible ito. I mean sa connections ng OC sa lahat.
Reviews please…

SPOILER: Isa lang kina Ru at Mit ang totoong may gusto kay Aki.