A/N: Hello sa inyo! Eto na ang ikatlong tsapter ng Isang Tagalog Fic. At tulad ng laging sinasabi ng mga gumagawa ng fanfictions HINDI SA AKIN ANG SLAM DUNK! Wala akong perang pambayad ng abugado, so 'wag nyo kong idemanda! Salamat sa mga nagbabasa at sumusubaybay…
Salamat kina michpink at Setsuna-Ramen Eleison
Ang Nakaraan: Isang di pagkakaunawaan lang pala ang lahat. Si Sendoh Aki ay kapatid at hindi asawa ni Sendoh Akira.
Tsapter III: Ang unang araw ni Aki sa Tokyo U ay naging maayos naman. Sa tulong nina Ayako at Haruko, mainit ang naging pagtanggap kay Aki sa basketball club. At maayos din naman ang pakikitungo sa kanya ng karamihan sa mga classmate nya. Sa loob naman ng classroom, si Hikoichi and madalas niyang kausap.
At gaya ng inaasahan (baka naman ako lang ang umaasa ) nabigla ang lahat nang malaman nilang kapatid ni Sendoh si Aki. Halos walang kaibahan sa reaksyon nina Ayako, Haruko, Mitsui, at Rukawa (well, okay… kahit wag mo na isama si Rukawa) sa reaksyon ng iba pang kaibigan nila. So para paigsiin, maayos na dumaan ang isang araw.
Sumunod na araw, maagang nagising si Aki at gaya ng kanyang daily routine sa Hokkaido, lumabas sya para mag-joging.
"Oi! Aki, good morning!" Bati ni Kiyota.
"Ei! Ohayou Kiyota, Jin."
"Ohayou. Saan ka papunta?" Tanong ni Jin.
"Magja-joging lang."
"Kami din. Sabay na tayong tatlo, nabanggit kasi ni Sendoh na mahirap ka raw makakabisado ng lugar. Buti na lang nandito ako! Hindi ka maliligaw!" Pagmamalaki ni Kiyota.
"Well, oo nga. Noong bago pa lang ako sa Hokkaido, suki ako ng police station. Lagi kasi akong nawawala."
"Ang itatawag ko na sa'yo ay Aki the eternal lost girl." Kutya ni Kiyota
"Pero once naman na familiar na ko sa lugar, mahirap ko nang makalimutan kahit matagal akong di mapunta doon. Kaya 'pag nasanay na ko sa super daming buildings ng Tokyo, hindi mo na ko matatawag na lost girl."
"Kung ganon, ifa-familiarize ka namin dito." Sabi ni Jin.
At nag-joging na nga ang tatlo. Nang makatapos sila ng dalawang laps nagyaya nang magbreakfast si Kiyota sa nadaanan nilang café.
"Grabe… Tawa talaga ko ng tawa nung malaman kong kapatid ka ni Sendoh." Panimula ni Kiyota sa usapan.
"Hindi talaga ako makapaniwala." Sagot ni Jin.
"Kasi naman kayo, nakita nyo lang kaming magkasama inisip nyo nang meron kaming relasyon. Baket, wala bang karapatang mamasyal ng magkasama ang magkapatid?"
"Loko-loko naman kasi yang si Sendoh, sabihin ba naman kasing bunso daw sya."
"Hehehe, sa 'ming tatlo sya talaga yung pinakapatawa, sumunod ako."
"Tatlo?" sabay na tanong ng dalawa.
"Oo. Meron pa akong isa pang kuya. Kaya lang 'wag nyong isiping kaugali namin sya ni Akira oni-chan."
"Ah, ganun ba… hm… Gaano ka ba katagal sa Hokkaido?" tanong ni Jin.
"Well, doon ako nag Jr. at Senior High."
"Sayang naman. Kung sa Kanagawa ka nag-aral ng High School, makikita mo ang kagitingan ng Golden Rookie!"
"Ang akala ko Super Rookie ang tawag nila kay Rukawa?" Asar ni Aki kahit alam niyang tinutukoy ni Kiyota ang sarili niya.
"Ano ka ba? Hindi mo ba alam ang totoong talent? Si Rukawa… Wala yun… NO MATCH!"
"Hay, naku… Aki 'wag kang magpapapaniwala kay Kiyota. Magaling lang yan sa kalokohan."
"'Pre naman! Para ka namang hindi kaibigan o. Sinisiraan mo ko sa babae eh."
"May gusto ka pala sa kanya…"
"Wala ah! … kasi kaklase nya yung gusto ko eh. Baka kung ano makwento nya. Jahe naman diba?"
"Sino yung gusto mo? Ilalakad kita."
"May gusto sya dun sa foreigner galing England." Si Jin ang sumagot
"Bakit mo ko binibisto?" sabay lingon kay Aki "Mailalakad mo ba ko?"
"Hm… hindi ko pa sya nakakausap kaya hindi ko maipapangako… pero susubukan ko."
"'wag mong subukan, gawin mo p're, I mean, m're."
Tawa sina Jin at Aki sa sinabi ni Kiyota (ang babaw ba ng kaligayahan nila?). Matapos pa ang ilang sandali, nagyaya nang bumalik ng dorm si Aki.
"Okay… sige balik na tayo sa dorm." Tumayo sila at lumabas ng café.
Naglakad na si Aki sa direksyong kanan. Pinigilan siya bigla ni Jin.
"Aki… sa kaliwa ang pabalik ng dorm…" sabi nito.
"Ah… ganun ba…" Sagot niyang namumula sa hiya. Samantalang sina Kiyota at Jin parehong may sweatdrop dahil ngayon lang sila nakakilala ng tulad ni Aki. Sobrang daling maligaw.
(Aki: Hey! Magiging para ba kong si Ryouga from Ranma ½ dito? Ayoko nun.
Kuyaqcmicchy: Lahat tayo may flaws okey? Ayokong maging Mary Sue ka…
Aki: Ayoko rin namang maging Mary Sue… Kaya lang can't you think of another weakness para sa 'kin? I mean, nagmumukha akong engot!
Kuyaqcmicchy: Na-type ko na eh… Pag binago ko pa, sayang sa time at energy.
Mit: Tutulungan kitang mafamiliarize ang Tokyo Aki, don't worry.
Kuyaqcmicchy: Kita mo, nandyan naman si Micchy eh…
Jin: 'Wag mo kong agawan ng role Mitsui-san!
Kiyo: Teka… bakit ba kung kelan nag-uusap na kami tungkol sa kagitingan ko, saka mo kami pinabalik ng dorm?
Kuyaqcmicchy: Malapit na kasing magsimula ang classes nyo.
Kiyo: -teary eyed- Ikaw naman ang author… 'pag sinabi mong marami pang time, dadami ang time…
Ru: mga gunggong.
Kuyaqcmicchy: ok, ok… back to the story…
Hana: Nasan na yung HanaHaru scenes?
Ryo: Pati yung RyoAya scenes!
Aya: Just take your time… 'wag mong madaliin
Ryo: Aya-chan naman…
Haru: Pwede bang RuHaru scenes na lang?
Ru: Hoy babae! Bf mo yung unggoy d2!
Hana: 'Wag mo syang pagsalitaan ng ganyan!
Kuyaqcmicchy: Ang sabi ko back to the story!)
Pagbalik ng tatlo sa dorm, agad na bumalik sina Jin at Kiyota sa yunit nila.
"Aki-chan, okay ka lang ba talagang mag-isa?" Tanong ni Jin.
"Oo naman!" Sagot nyang ever so confident
"Well, sige… babalik na kami sa yunit namin." Paalam ni Kiyota "'Wag mong kalimutan yung pangako mong ilalakad mo ko!"
Sinimulan ni Aki ang page-explore sa Tokyo U. Nang magsawa na sya, naglakad-lakad na lang sya. Habang naglalakad-lakad si Aki (not to mention, hinahanap ang way nya pabalik sa yunit nila) nakasalubong niya si Mitsui na papunta sa cafeteria.
"Ohayou Mitsui-sempai." Bati ni Aki na oh so ever galang
"Mornin' , sabayan mo na kong mag-almusal."
"Salamat sa alok Mitsui-sempai, kaso lang nag-almusal na ko kasama nina Jin kanina. Sa susunod na lang siguro."
"Ah… ok… sa susunod… e teka… kung tapos ka nang kumain, saan ka naman pupunta?"
"Ha? A, kase… medyo naliligaw ako eh… babalik na sana ko sa yunit ko."
"Hehehehe… ikaw talaga, doon ang pabalik sa dorm." Turo ni Mitsui sa tamang daan.
"Ah, salamat Mitsui-sempai…" Sabay bow sa kanyang senior at lakad palayo kay Mitsui.
Kahit tinuro na ni Mitsui ang tamang daan, for the reason God knows why, napadpad si Aki sa tapat ng basketball gym. Timing na timing, pagkatapat nya sa pinto, lumabas naman si Rukawa. So, nagkabanggaan sila.
"Uh… Sorry." Sabi ni Aki sa nabangga nya.
"Sendoh…" bulong ni Rukawa…
"Huh? Rukawa-kun… ikaw pala yun. Nagpapractice ka?" Takang-taka si Aki.
"It's in the routine." Sagot ni Rukawa (nice!).
Nginitian ni Aki si Rukawa with THE SENDOH SMILE! Lalo tuloy na-on si Rukawa sa kanya (Haaaay naku… hindi man lang namamalayan ni Aki ang ginagawa nya). So, sabay na bumalik sina Aki at Rukawa sa kani-kanilang yunit para maghanda sa mga klase nila. Lingid sa kaalaman ni Rukawa, napahanga niya si Aki sa kanyang determination.
Nagsimula na ang klase ng ating mga bida. Sa huling klase nina Aki at Hikoichi before lunch, merong mangyayaring hindi nila magugustuhan…
"Ok childrens, before I dismiss you for lats, I just want to...a...discuss a project to be...a... passed before the...a...2-week sem break."
Halatang-halata sa mga mukha ng estudyante na ayaw nilang magkaroon ng project. Yung iba sa kanila, nagagalit sa prof at yung iba naman, tulad ni Aki, dinadaan na lang sa pag-untog ng ulo sa desk ang lahat.
"So, gaya nga ng sinasabi ko, you will...a... pass a videotape or videoCD of an interview. Kayo ang mag-iisip ng questions na itatanong ninyo. Your interview should...a... show the...a... benefit of different courses. Kaya for short, iinterviewhin ninyo ang kahit sinong nag-aaral dito sa Tokyo U as long as he/she is ahead of you at least a year. Kailangan ring hindi ninyo siya kapareho ng course. Ang grade ninyo dito ay manggagaling sa mga kapwa ninyo estudyante. Para hindi masabi na merong favoritism. That's all for today, you can take your lants." (weeeeeee! Ang saya naman)
Inuuntog pa rin ni Aki ang ulo niya sa desk kaya di niya namalayan na umalis na pala ang kanilang prof na ever so trying hard mag-english. Pa'no kaya nakuha sa Tokyo U ang tulad niya?
"Aki, ok lang yan… Lahat naman ng freshman dumaan sa kanya eh… Hindi lang tayo." Sinusubukan ni Hikoichi na pagaanin ang loob ni Aki (na sa wakas ay hindi na inuuntog ang ulo sa desk)
"WAAAAAAAAAAA" lang ang naisasagot ni Aki.
"Wag ka nang malungkot… Alam ko namang kayang-kaya mong tapusin yun."
"Hindi naman yun eh… Ang sakit… napalakas ko yung pag-untog sa desk… aray…"
"Haaaaay naku… yun lang pala… kala ko naman di ka sanay sa torture ng classroom."
"Oi, hinde noh… Meron ding ganyang teacher sa Hokkaido… Akala ko lang wala na dito sa Tokyo."
"Talaga? Meron din sa Hokkaido? Anong ginagawa mo pag mga ganitong sitwasyon?"
"Edi sinasampalan ko sya ng PERFECT score!"
"E wala namang points 'to eh… Percentage ibibigay dito."
"Edi gagawa ako ng interview na hindi nya magugustuhan pero magugustuhan ng mga estudyante…"
"Ayos yan ah… Pero pano mo gagawin yon?"
"Basta… Meron na kong plano…"
(Hikoichi: Ano bang balak ni Aki…
Kuyaqcmicchy: Basta… 'wag kang atat!
Aki: Bakit naman kasi isang nakakainis na prof ang ginawa mo?
Kuyaqcmicchy: Para we share the burden diba? Hehehe Binase ko kasi sa teacher namin yung prof nyo.
Hikoichi: May teacher kang ganyan sa mga CHILDRENS, I mean children?
Kuyaqcmicchy: Oo… kaya wag na kayong mag-reklamo and take your LANTS na ok? Wakokokoko
Hana: Oi… author! HanaHaru scenes na ba?
Haru: Blush at Ru…
Ryo: RyoAya muna noh…
Aya: Sigh
Kuyaqcmicchy: Sabay tayo Ayako… SIGH, SIGH, and another SIGH
Ru (pabulong): Ang igsi-igsi ng part ko dito…
Mit: hindi ka nag-iisa. Dapat kasi dun muna sa What a Joke… diba?
Kuyaqcmicchy (to herself): nakakasawa na 'to… lagi na lang…
Maki (to Mit and Ru): buti nga kayo pinapakita dito eh…
Kuyaqcmicchy (to herself): pabayaan mo na lang sila… magsasawa din yang mga yan…
Sen: Baket ba puro si Aki… hinde mo ba pwedeng dagdagan yan ng R at A?
Kosh: Haaaay… yung author katulad din ng OC niya… demonyita!
Aki: Hey!
Sen: Akala ko ba, ok na sayo yung nangyari dati?
Kosh: Wala lang… para lang may masabi.
Hanagata: Basta… hindi kami mawawalan ng part… kahit sa huli… basta meron…
Fujima: tama yun… basta meron…
SOUND NG CRICKET
SD Characters: … … …
SOUND NG CRICKET
SD Characters: … … … … …
Kuyaqcmicchy: Sabi na titigil din kayo eh)
Itutuloy…
A/N: Weeeeeeee! Ang saya naman! Nandito na si Ma'am (6 blanks). Hehehehe… Kaya kung dun sa part ng prof nila medyo merong grammaticl errors... sinadya ko po yun... SIGH Sana nga sa totoong buhay kaya ko syang sampalan ng PERFECT SCORE katulad ni Aki… SIGH, SIGH, and SIGH… Anyway, ano kaya ang pinaplano ni Aki para sa kanyang interview… Abangan ninyo sa Tsapter IV.
REVIEWS… ONEGAI!